![]() |
galing sa:Hoard World.com |
" ANG ENKANTADONG MALUNGKOT AT ANG GINTONG KABAYO"
Noong unang panahon, sa munting bayan ng Lireo, ang mga taong nakatira ay maligaya, matahimik, matulungin at may takot sa diyos. Ang Lireo ay tirahan ng isang mabait na prinsipeng Haring Malungkot. Nabansagan siyang engkantadong malungkot dahil lumaki siyang mag-isa at walang kaagapay sa buhay. Hindi manlang niya nakilala ang kaniyang ama o ina. Kaya't dahil doon, ang buong buhay niya ay nabahiran at tuluyan ng napuno ng kalungkutan.
Siya ay mahiwaga. Ang kanyang kinaaaliwang alaga lamang ay isang Kabayong ginto. Ang Kabayong Ginto, katulad din ng pangkaraniwang kabayo, ay malimit makitang nanginginain ng damo sa bakuran ng prinsipe.
![]() |
galing sa: Google.com |
Sila ay dapat may mabuting budhi't malinis na asal at ugali. Ngunit kung ang mga tao'y mahilig sa pagkakasala wala silang hihintaying gantimpala sa prinsipe. Lumipas ang mga araw at ang mga mamamaya'y nakalimot na sa magandang gawain at malinis na pamumuhay. Dahil diya'y nawalang bigla ang Kabayong Ginto. At tila nawala ang prinsipe na parang bula.
Sakali mang makita and Kabayong Ginto, ito'y nangangahulugang magkakaroon ng gutom, salot na nilalang, sakit, at kung anu-anong sakuna, kaya ang mga tao ay nag prusisyon, nag dasal, nagpamisa at tumupad sa sarisaring pangako sa kanilang mga anitos.
![]() |
galing sa: GIFSOUP.com |
Ang pinuno ng magkakaratig na bayan ay nagkaisang tumawag ng pulong. Kanilang isinaalang-alang kung ano ang dapat gawin upang ang Kabayong Ginto ay huwag nang makita. Pinagkaisahan ng lahat na ang pinakamatapang at subok na palaban na dalaga ay iaalay sa prinsipe upang maalis ang kanyang galit.
Ang kaawa-awang dalaga ay itinali sa isang puno upang sunugin. Di-umano'y ang usok nito ay isusubo sa Hari ng malungkot. Anong pagpapakasakit!.
Nang kakainin na ng apoy ang bagong taong ubod ng tapang ay siyang paglabas ng Kabayong ginto sa yungib ng bundok. Sakay rito ang Engkantadong Malungkot. Iwinagayway ng prisipe ang kanyang mahiwagang baston.
![]() |
galing sa: GIFSOUP.COM |
Ang mga mamamayan naman, dahil sa takot na baka sumipot uli iyon, ay nagbago na rin at nanatiling mabubuting tao.
![]() |
galing sa: |
WAKAS!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento