Sa pagdaan ng maraming panahon, sari-saring kwentong bayan, hinggil sa kakaiba at hindi ordinaryong nilalang, ang nagpasalin-salin sa bawat henerasyon. Marahil ay narinig n'yo na ang isa sa mga pinakatanyag at nakakapangilabot na nilalang, mula sa mitolohiyang Pilipino, na ginatawag nating lahag na "aswang." Ikaw ba'y isa sa mga naniniwala rito? Sa tingin mo ba'y sila'y totoo? O isa lamang haka haka na nabuo sa malawak at makulay na imahinasyon ng tao.
Ang aswang ay isa sa mga kilala at kinatatakutang nilalang
na ayon sa ilan ay nagbabago ng anyo. Sila'y isang pangkaraniwang tao sa umaga,
at isang nakakapanindig balahibong halimaw na kumakain ng laman loob at dugo ng
tao pagsapit ng gabi. Sinasabing mayroong iba't-ibang uri ng aswang. At isa na
dito ay ang "manananggal." Sila ay pinaniniwalaang may abilidad na
ihiwalay ang kanilang pang itaas na katawan mula sakanilang baywang at
nakakalipad pagkat nagkakaroon sila ng pakpak na katulad sa isang paniki.
Mayro'n ding tinatawag na "tiktik" na ayon sa iba'y nagtataglay ng
mahabang dila na kanilang kasangkapan sa pagkuha ng sanggol sa sinapupunan ng
babaeng nagdadalang tao. At isa pa ay ang "balbal" na pinaniniwalaang
uri din ng aswang. Sila'y nagnanakaw ng bangkay ng tao sa isang burol o lamay
kung nakatulog at walang nagbabantay rito. At ito'y kadalasang pinapalitan nila
ng puno ng saging na nagsisilbing isang ilusyon sa pamamagitan ng kanilang
mahika upang malinlang ang tao na iyon talaga ang bangkay ng yumao.
Pinaniniwalaang nagmula ang mga kwentong tungkol sa mga ito
sa probinsya ng Capiz, Antique at Iloilo. Ayon sa pamahiin ng mga matatanda,
matutukoy mo kung aswang ba ang taong iyong kaharap kapag tumingin ka sa
kanyang mata at baliktad ang iyong repleksyon. Sinasabi ding mabisang pangontra
ang asin, bawang at buntot ng pagi sakanila.
Dahil sa mabilis na paglago ng teknolohiya sa panahon
ngayon, unti-unting naglaho ang paniniwala ng ibang tao tungkol sa kakaibang
nilalang na ito, lalong-lalo na ang mga taong nakatira sa syudad, pagkat sa
tulong ng teknolohiya at siyensya ay nabibigyan paliwanag ang lahat ng mga ito.
Gayunpaman, mayroon pa ding mga naniniwala sakanila.
Ikaw, naniniwala ka bang totoo sila at magpahanggang ngayon
ay nakikisalamuha sila sa'tin? Gusto mo ba silang makita?
![]() |
galing sa: Google.ccom |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento